Kyle Echarri nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: I didn’t lose my sister… I just got a new angel
PUMANAW na ang nakababatang kapatid bi Kyle Echarri na is Isabella Echarri matapos ang pakikipaglaban nito sa kanyang sakit.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawan ni Belaa noong bata pa ito kalakip ang kanyang mensahe para sa minamahal na yonger sister.
“To my princess: I love you more than you will ever know ta. You are the most amazing sister anyone could ever ask for,” panimula ni Kyle.
Pagpapatuloy niya, “I already miss your hugs/kisses for Manong whenever he was sad and your cheers for whenever I was on stage.”
Ngayon daw ay masaya si Kyle na makapagpapahinga na ang kapatid at wala na itong iindahing sakit.
“Now more than anything I’m happy to know that you’re done with the year of fighting something you never deserved…
“You can finally smile,sing,dance,swim, and EAT again. And don’t worry I know I didn’t lose my sister… I just got a new angel. I love you ta, Forever,” saad pa ni Kyle.
Matatandaang nito lamang June 2022 nang ipaalam ng aktor sa publiko ang pagkakaroon ng brain tumor ni Bella kasabay ng paghiling nito sa madlang pipol na isama sa kanilang mga dasal ang kanyang kapatid para sa agaran nitong paggaling.
Ani Kyle, May 2022 pa nang malaman ni Bella ang kalagayan ngunit ayaw raw itong ipaalam sa kanya dahil alam nitong maaaring makaapekto ito sa kanyang pagtatrabaho.
“My baby sister Bella has been my world since the day she was born. Just yesterday I was told by my family that my little girl was diagnosed with a brain tumor on May 2nd and she wanted to hide it from me because she said she didn’t want me to get stressed while I was working,” bahagi ng post niya last year.
Paniguradong mahirap ang sitwasyon ni Kyle sa ngayon dahil malapit na malapit sila ng kapatid.
Marami naman ang nagpaabot ng kanilang mensahe ng pakiramay sa aktor.
“My deepest condolences Kyle,” saad ni Janine Gutierrez.
Comment ni Luis Manzano, “Condolences bro…”
“My condolences to you and your family Kyle, from my family to yours, I’m so sorry for your loss,” sey naman ni Jayda.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load