Malungkot na ibinahagi ng batikang aktres na si Claudine Barretto na ninakawan ang bahay ng kanynag mga magulang sa Subic, Zambales na kakaparenovate pa lamang ni Gretchen Barretto.
Naisiwalat din niya na dahil sa insidenteng ito ay nalagay sa pelegro ang buhay ng kanyang nanay.
Ayon sa pagbabahagi ni Claudine Barretto, kaka-renovate lamang ng kanilang bahay nang maganap ang insidente kaya naman karamihan sa mga nakuha ay mga brand new at mamahalin.
Sa kamakailang panayam kay Claudine Barretto para sa kanyang pelikulang ‘Sinag’. Naibahagi ni Claudine Barretto ang nangyari sa pamamahay ng kanilang mga magulang.
“Nilooban yung bahay ng mommy at daddy ko. Lahat yun kasi pinaayos ni Gretchen. Lahat ng mga kagamitan doon bago, pina-landscape pa niya, lahat yun milyun-milyon.”
Kabilang sa mga natangay ng mga magnanakaw na kagamitan nila ayon kay Claudine Barretto, ay ang mga best TV’s, mga aircon. Nagkahabulan pa umano ang mga suspek at pulis subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga ito at wala paring development sa kaso.
Naibahagi rin ni Claudine Barretto na hindi lamang ang bahay nila ang napasok ng mga magnanakaw kundi maging ang bahay ng kanyang talent manager na si Arnold Vegafria na mas kilala bilang ALV.
Dahil sa mga insidenteng ito, hiniling ni Claudine Barretto sa mga opisyal ng SMBA at maging ng opisyal ng Olongapo na gawan ng paraan ang mga ganitong pangyayari.
Naibahagi rin ni Claudine Barretto na dahil sa nangyari ay muntik nang mapasok sa ICU ng kanyang ina. Muntikan na umano itong mawala sa kanila buti na lamang ay nakita ito ng kanyang anak na si Noah.
Ayon kay Claudine, nasa hotel sila noong mga panahon na iyon kaya naman kung hindi umano ito nakita ni Noah na nakayuko ay malamang ay tuluyan na itong nawala sa kanilang piling.
Muli ring ipinahayag ni Claudine Barretto ang pinaniniwalaan niyang responsibilidad ng mga anak na alagaan ang mga magulang. Kung hindi man financially ay maari rin naman na ang oras na lamang ang ibigay para sa kanila.
Sa ngayon ay excited na si Claudine Barretto sa kanyang panibagong project na pinamagatang Sinag na kukunan sa iba’t-ibang magagandang lugar sa bansa.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load