Sharon Cuneta admits she and Senator Kiko Pangilinan “almost lost each other” last year

Sharon Cuneta on her marriage with Senator Kiko Pangilinan: “We’ve been through so much… so very much.”

Amidst persistent rumors of a breakup in 2017, Senator Kiko Pangilinan and Megastar Sharon Cuneta are still together. However, the couple admit their marriage went through challenges last year that could have broken them. 

Inamin ni Sharon Cuneta na muntik na silang magkahiwalay ng asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan noong 2017.

Sinabi ito ng Megastar sa 40th anniversary celebration niya sa episode ng ASAP nitong January 7, Linggo.

Isa si Kiko sa mga nagbigay ng mensahe kay Sharon.

Sa isang recorded greeting, nangako ang senador na mamahalin niya nang habambuhay ang kanyang misis.

“I vow to love you forever until matanda na tayo at puti na yung buhok natin,” sabi ni Kiko.

Maliban sa recorded message, personal ding bumati si Kiko at ang kanilang mga anak kay Sharon.

Dito ay sinabi ng senador na proud siya sa achievements ng asawa sa apat na dekada nito sa industriya.

Pahayag niya, “Alam namin, kasi nakita naming lahat sa pamilya, na ikaw ay naluha, ikaw ay nasaktan, ikaw ay na-frustrate.

“Ngunit nalampasan mo lahat yun dahil ikaw nga ay talagang amazing, in terms of your commitment to your craft, to the industry, and we’re very proud of you.

“We love you. We’re here cheering you on.

“Nandito kami sa likod mo, sumusuporta, at nagmamahal sa ‘yo lagi, hanggang sa walang hanggan.”

Makahulugan naman ang sagot ni Sharon sa kanyang asawa, kagaya ng pag-amin niyang muntik nang matapos ang kanilang relasyon noong nakaraang taon.

Saad ng Megastar, “Kiko, thank you, we’ve been through so much… so very much.

“We almost lost each other last year, so I praise God that the family’s together and the children are happy.”

Ilang beses naging usap-usapan noong nakaraang taon ang diumano’y paghihiwalay ng mag-asawa.

Ngunit itinanggi nila itong pareho sa mga panayam.

NOT A BED OF ROSES. Samantala, bukod sa 40th anniversary ni Sharon sa showbiz, ipinagdiwang din ng singer-actress ang kanyang 52nd birthday noong Sabado, January 6.

Binati rin siya ni Senator Kiko via Instagram.

Kuwento ng 54-anyos na pulitiko, maraming pinagdaanang pagsubok ang kanyang asawa, pero nalampasan niya lahat ito.

“This birthday is extra special because it comes at a time when after a period of setbacks, heartaches, pain, after a truly challenging period you have not just survived but have triumphed.”

Pag-amin ni Kiko, malaki ang kanyang pasasalamat, na sa kabila ng mga pagsubok sa kanilang pagsasama, nananatili silang matatag.

“I know everlasting love is not easy and yet here we are still committed to try with all our hearts to make it happen and doing so one day at a time. With God’s grace, love, our love for one another, will conquer all.”

Pangako pa niya kay Sharon, “I will always be here for you cheering you on. Finding ways, day in and day out, to look out for you, to care for you, to make things right with and for you and to love you, dearly, truly, wholeheartedly now, always, forever.”