Humihingi ng panalangin ang actor at Senador na si Ramong ‘Bong’ Revilla Jr. sa kanyang mga tagahanga matapos isugod sa hospital dahil sa injury sa paa.
Marami sa mga tagasuporta ni Sen. Bong Revilla ang nag-alala matapos kumalat sa social media ang video na ibinahagi ng senador na kinunan sa loob ng St. Lukes Medical Center nitong April 16, 2024.
Ang dahilan ng kanyang pagkaka-confine sa hospital ay ang dati pa niyang injury sa paa na tinatawag na Achilles Tendon.
Lalo umano itong lumalala dahil sa pagtakbo niya ng mabilis habang kinukunan nila ang kanyang comeback film na Alyas Pogi.
Buong pahayag ni Sen. Bong Revilla, “Hello, good evening. Guess where I am right now? I’m at the hospital. It’s a bit sad news but I am okay. Had an injury, my achilles tendon had a partial tear that’s why I need to undergo an operation. We will know by tomorrow, so please pray for me.”Â
“First day ko ng ‘Alyas Pogi’ yesterday kasama ko pa si Ara Mina and Epy Quizon but you know may mga pangyayaring minsan hindi maiiwasan, mangyayari talaga ‘yon. Basta importante ipagdasal niyo na hindi po grabe. Pero na-MRI na po ako kanina at sinabi nga ng doktor na bale 50% ng aking achilles ay na-tear ‘yun po dahil sa pagtakbo, dahil sa sobrang bilis ko raw tumakbo,” dagdag pa niya.
Kailangan na umano nitong operahan kung saan umaabot sa tatlo hanggang limang buwan ang pagpapagaling nito matapos ang operasyon.
Ayon naman sa anak nito na si Jolo Revilla na kasama niya sa hospital ay titingnan pa ng mga doktor ang resulta ng mga test na isinagawa sa kanyang ama kung handa na ba itong sumailalim sa operasyon.
Hiniling naman nito na isama sa mga pagdarasal ang tuluyang paggaling ng kanyang ama na si Sen. Bong Revilla.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load