Claudine Barretto, gustong palitan ang salitang “adopted” sa “chosen.”
Claudine Barretto sees her three adopted children–Sabina, Quia, and Noah–as “chosen” and gifts from God.
PHOTO/S: Gorgy Rula; @claubarretto on Instagram
GORGY RULA
May pakiusap si Claudine Barretto sa mga mambabatas na may kinalaman sa adoption.
Bago isinilang ni Claudine ang anak nila ni Raymart Santiago na si Santino, inampon nila si Sabina na 20 years old na ngayon.
Pagkatapos nilang maghiwalay, may dalawang inampon pa si Claudine, sina Quia (kanan) at Noah (gitna).
Si Quia ay si Aryanna Barretto na kasali sa pelikulang When Magic Hurts, kung saan kabilang din si Claudine at ang ilulunsad na love team nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas.
Sa nakaraang media conference ng naturang pelikula, kasama ni Claudine ang apat niyang mga anak.
“Ang meron lang akong pagsisisi, sana nung bata pa sina Sabina at Santino, sinama ko rin sila.
“Kasi before siyempre, pag-uwi ng mga anak, takot ka magkasakit or ano.
“Ngayon, kahit sa mga anak ko, kahit sa market o kahit saan pa, basta may tent, nagsu-shooting, nandun sila. Kasi, ang bilis nila lumaki,” pakli ni Claudine.
ADOPTION LAW
Pero meron daw sana siyang gustong imungkahi sa mga mambabatas pagdating sa adoption law.
Tungkol ito sa sa terminology.
Aniya, “Ito na rin ang pagkakataon ko na humingi ako ng tulong na sana, magkaroon ng law, yung Sabina’s law about adoption and adopted kids.
“Kasi, even if it’s true, hindi magandang pakinggan yung ‘adopted,’ yung ampon. Kasi ginagawang joke, e.
“Pero kapag anak ka sa labas, hindi naman sinasabi, ‘O, iyan, anak iyan sa labas.’
“Pero yung sinasabi, ‘Iyan, adopted iyan.’
“May nakita nga ako parang sa TikTok pa, bata na nagsabi na napaiyak niya yung kapatid niya. Sinabi, I don’t know, five years old, three years old yata na sinabi niyang, ‘Ampon ka lang.’
“And I really got offended. Na yun nga inaano ko, na sinabi ko kay Direk [Gabby Ramos] at sa lahat na merong mga ‘chosen.’
“Dapat kasi, like ang special children, hindi sila tinatawag na autistic, because they’re very special.
“So sana mapalitan yung adopted sa chosen.”
Yun lang naman daw ang ipinagmamalaki ni Claudine, kung paano niya mahalin at alagaan ang kanyang mga anak.
“Hindi ko sinasabing sobra akong mabuting ina. Pero tinatanong ko sa mga anak ko all the time na…
“Suwerte ko kasi, ahhmm may teenagers ako at may younger kids ako.
“Ang pagsisisi ko is that, ang bilis pala talaga ng oras na…Ang bilis ng oras, ang bilis nila lumaki, na may college na ako, may 16-year-old na rin ako, tapos may seven ako, may five years old ako na anak.
“Yun nga, kagaya ng sinabi ko, kung meron man akong pinakamalaking award sa buhay, yun ang mga anak ko,” saad ni Claudine.
WHAT MADE CLAUDINE DECIDE TO BECOME SABINA’s MOM
NOEL FERRER
Ikinuwento na rin ni Claudine Barretto kung paano siya nagkahilig na mag-ampon.
Dahil sa bunso siya, gusto raw talaga niyang magkaroon ng little brother o sister na aalagaan niya.
Hinding-hindi lang daw niya nakalimutan ang karanasan niya nung gusto na sana niyang kumuha ng batang aampunin sa isang bahay-ampunan.
Kuwento ni Claudine, “Nag-start iyan nung bata ako, nagsu-shooting ako sa isang orphanage, yung nasunog sa Manila.
“Meron akong isang bata na naging ka-close ko na muntik na namin, muntik na i-adopt ng parents ko.
“But because of their age, parang, at saka ano, ayaw talaga ng TV, hindi talaga.
“Tapos nasunog yung orphanage, and nagsu-shooting kami ng Mula sa Puso malapit sa orphanage na yun, at kasama yung bata dun sa nasunog.
“So, when God gave me the gift of Sabina, sabi ko, ito siguro yung kapalit, ito siguro yung blessing na ibinigay sa akin when I lost Kiko.
“Ang then, sumunod si Santino, and then sumunod si Quia, and then sumunod si Noah.
“Because gustung-gusto ni Santino at ni Sabina magkaroon ng mga kapatid.”
JERRY OLEA
Iba naman ang pananaw ni Claudine sa kasabihang, “Blood is thicker than water.”
Aniya, “And lagi kong sinasabi, blood is not thicker than water. Kung ang asawa mo o boyfriend mo, kaya mong mahalin nang unconditional… unconditionally, bakit hindi mo kayang magmahal ng mga bata, ng mga anghel?
“So yun yung laging sinasabi ko sa mga anak ko.
“And now I have the perfect relationship with my children.
“Never ko nararamdaman yung problema na pinagdadaanan ng mga mommies pagdating sa mga teenage kids nila.
“Talagang hindi nila ako binibigyan ng sakit ng ulo.
“I always tell them, ahhhmm… ‘Saint, Sab, motherhood isn’t covered in the manual. So you have to tell me if you don’t like me talking to you this way. Kung napapataas ang boses ko, you have to tell me.’
“Kasi iba-ibang personality, iba-ibang love languages ang mga bata. So, you have to meet yung love language nila.
“And you have to ask them, what I’m doing right, what do you think can I do to be a better mother and ayun.”
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load