Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at entertainment news sites ang patungkol sa pag-amin ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez na mayroon ng nagpapasaya sa kanyang puso matapos ang masalimoot na paghihihiwalay nila ng kanyang estranged wife na si Carla Abellana.
Hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat na isa sa mga tinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay ang isyu ng kasarian ni Tom Rodriguez. Naglabasan rin kasi ang mga haka-haka na umano’y bakla si Tom Rodriguez.
Dahil dito, marami ang napapatanong kung ang sinasabing nagpapasaya sa puso ngayon ni Tom Rodriguez ay isa bang babae o di kaya ay kapwa niya ito lalaki.
Kasunod ng usaping ito may ilang mga netizens ang nag-uugnay kay Sam Milby sa sinasabi ni Tom Rodriguez na nagpapasaya sa kanyang puso ngayon.
Makalipas ang dalawang taon ng paghihiwalay nina Tom Rodriguez at Carla Abellana hayagang ipinahayag ng aktor na nakapag-move on na siya sa nangyari at sa katunayan ay mayroon na siyang bago na nagpapasaya sa kanyang puso.
Hindi naman pinangalanan ni Tom Rodriguez ang taong ito dahil gusto muna umanong ipagdamot ng aktor ang ilang detalye ng kanilang relasyon at nais niyang maging pribado na muna ang lahat.
Sa isang panayam sa 24 Oras, hayagang inamin ni Tom Rodriguez na his currently dating someone na nagbibigay kulay sa kanyang personal na buhay ngayon. Iginiit din ni Rom Rodriguez na tuluyan nang naghilom ang sugat sa puso niya na naiwan nang maghiwalay sila ng kanyang misis noong 2022.
Handa na rin umano siyang magmahal muli at bigyan ng ikalawang pagkakataon ang love para sa kanyang buhay. Ayon pa kay Tom Rodriguez, na eventually ay malalaman rin naman ng mga tao ang pagkakakilanlan ng panibago niyang karelasyon pero hindi pa siya handang umamin ngayon.
Sa kabilang banda, marami naman ang nagtatag kay Sam Milby, na siyang pinaghihinalaang karelasyon ni Tom Rodriguez. Matatandaan na kamakailan lamang ay tuluyan nang nakumpirma na may pinagdadaanan ang relasyon nina Sam Milby at Catriona Gray.
Marami ang naghinala na mayroong karelasyon si Sam Milby na isang lalaki at ang itinuturo ng marami ay walang iba kundi si Tom Rodriguez.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load