Shaira Diaz: “Yung pwet ng asawa ko alam na ng lahat itsura…”
Shaira Diaz (m) on fiance EA Guzman’s butt exposure at Body of Work: The Bench Show (published as is): “Sabi mo sakin sasayaw ka lang, nagulat ako nagsigawan sa labas…”
PHOTO/S: Shaira Diaz and EA Guzman on Facebook
Gulat at gulat at tila hindi pa rin naka-get over ang Kapuso TV host-actress na si Shaira Diaz sa ginawa ng kanyang fiancé na si Edgar Allan “EA” Guzman sa katatapos lang na Body of Work: The BENCH Show.
Nitong Biyernes, March 21, 2025, rumampa ang iba’t ibang personalidad—kasama ang magkasintahan—sa SM Mall of Asia Arena.
Kanya-kanyang gimmick ang mga artista. May dumating na naka-motorsiklo, may nag-aerial dance, may nagpakilig, at kung anu-ano pang pakulo.
Si EA, suot ang purple boxers, ay confident na rumampa at nag-flex ng muscles.
Pero bago nilisan ang stage, may panggulat pala ang aktor: wala siyang kiyemeng ibinaba ang suot na boxers at ipinakita ang butt.
Dumagundong ang malakas na sigawan sa venue.
EA Guzman posts on his social-media accounts a photo of his butt exposure at the Body of Work: The Bench Show.
Photo/s: Screen Grab from EA Guzman on FacebooK
SHAIRA DIAZ SHOCKED BY EA GUZMAN’S BUTT EXPOSURE
Ngayong Sabado, March 22, sunud-sunod ang posts ni Shaira sa kanyang Facebook account.
“Shookt” siya.
Saad niya (published as is): “PWETMALU KA EA Guzman [laughing in tears emoji] lintek na yan!
“Sabi mo sakin sasayaw ka lang, nagulat ako nagsigawan sa labas, tanong ko pa sa FD, “bakit nagtilian? Si EA ba yun?? Ano ginawa??” *nagpakita daw* syempre ako *HA??*
“pagbalik backstage.. Me: baba ano ginawa mo? Bakit sila nagtilian? Baba: *ngumiti lang*
“ABA AYON PALA GINAWA. MAGALING.”
Dagdag na post ni Shaira (published as is), “Mygooodnessssss! Yung pwet ng asawa ko [crying in tears emoji] alam na ng lahat itsura susginoo!
“Hindi ko talaga alam! Im shookt!!!”
NETIZENS REACT
Sa comments section ng mga posts ni Shaira, wala namang mababasang kritisismo sa ginawa ni EA.
Komento ng isang netizen (published as is), “That is called being professional. Let’s not judge him for what he did. that’s why it’s called Bench Body work. That show was created specifically for undergarments. I don’t see anything wrong with what he did, except for how some people perceive it based on their own views and opinions. It’s up to the runway model how they choose to present the trunks they’re wearing. Besides, we all know his wife isn’t narrow-minded enough to judge him over something like that. Just spread the love and enjoy the show!”
Mabilis itong sinang-ayunan ni Shaira (published as is), “yes! I support him all the way!”
May ilang netizens ding inasar si Shaira na nauna pa raw ipinakita ni EA sa publiko ang butt nito kaysa sa aktres.
Saad ng isang netizen (published as is), “Shaira, nauna pa namin nakita kesa sayo.”
Sabi pa ng isa (published as is), “Ikakasal na daw po kasi so, pa gift nyo na lang po Miss Shaira sa mga fans nyo hahahaha na view lang naman po hindi naman po na touch.”
Dagdag pa ng isa (published as is), “Yung iba na naka una maka kita ng wetpaks ng asawa mo madam pero ikaw hindi pa.”
May koneksiyon ang komentong ito ng mga netizens sa pag-amin nina Shaira at EA noon na wala munang premarital sex hangga’t hindi sila ikinakasal.
Magseselebra ng 12th anniversary ang couple sa taong ito.
Sa August 2025 ang kanilang wedding.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load