Kamakailan lamang ay naging sunod-sunod ang pagbabahagi ni Sharon Cuneta na nagpapahiwatig na mayroon silang pinagdadaanan ng kanyang asawa na si Kiko Pangilinan.
Marami ang naghinala na may pinagdadaanan ngayon ang dalawa, may mga nagsasabi pa na malapit na rin na maghiwalay ang mga ito matapos ang 27 years nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Gayunpaman, nakakita naman ng kaunting pag-asa ang mga fans ng Mega Star ng mapansin na nakasuot pa rin sa kanyang daliri ang wedding ring nila ni Kiko Pangilinan.
Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng larawan si Kiko Pangilinan mula sa kanilang family reunion na kinaugalian na ng kanilang pamilya sa loob ng apat na dekada.
Sa caption, ibinahagi ni Kiko Pangilinan ang kwento sa likod ng kanilang tradisyon na nais nilang ipagpatuloy sa mga susunod pang henerasyon sa kanilang pamilya.
Samantala, marami naman ang nakapansin na hindi nakasama si Sharon Cuneta sa annual family reunion ng Pamilya Pangilinan, kaya naman kaagad na napapatanong ang kanilang mga fans lalo na’t naging usap-usapan na ang patungkol sa paghihiwalay ng dalawa.
Kaagad naman sinagot ni Kiko Pangilinan ang katanungan ng mga netizens at sinabing kaya lang naman hindi nakasama sa kanila si Sharon Cuneta dahil maghapon ang mall tour nito kasama si Alden Richards para sa pinagsamahan nilang pelikula na Family of Two.
Sa gitna ng usapin ng paghihiwalay at mga cryptic post, may mga naghinala naman na sinasadya lamang ito ni Sharon Cuneta para mapag-usapan siya at madamay na rin ang pelikulang pinagbidahan.
May mga nagsasabi pa na hindi na umano ito bago kay Sharon Cuneta na mag-eemote pero wala namang katotohanan ang lahat, marami rin ang nagsasabi na wala namang basehan ang isyu ng paghihiwalay nilang dalawa dahil matagal na silang nagkasama at nagkaroon na rin ng maraming anak.
Narito naman ang komento ng mga netizens hinggil sa pagbabahagi ni Kiko Pangilinan ng annual reunion niilang magkakapamilya.
“super admire ko ang Barangay Pangilinan Senator Kiko. Sobra po simple ng family nyo Kahit na lahat kayo ay professionals. Ramdam ang true meaning ng family. Merry Christmas po ulit Senator.”
“Sen Kiko, your Pangilinan family is truly admirable. Everyone is an achiever in his/her own right. You value family more than anything else. But you don’t really have to put up with the drama around you, you deserve peace and respect. LET HER CLEAN UP HER OWN MESS, you don’t have to shield her everytime”
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load