Sa kabila ng pagiging tahimik at pribado ng buhay ng beauty queen at aktres na si Bianca Manalo naging usap-usapan din siya at ang kanyang love life. Ito’y matapos magkomento ang isang netizen tungkol sa diumano’y pagkakaroon ng anak ni Bianca Manalo at ito ay anak umano niya sa pagkadalaga.
Alam ng lahat na masaya ngayon ang love life ni Bianca Manalo sa piling ng kinakasama nitong si Sen. Win Gatchalian. Sa matagal na pagsasama nila ay nananatiling pribado at low key sa kanilang buhay.
Sa kabila ng pananahimik nila hindi pa rin naiwasang mapag-usapan sila lalo ang isyu tungkol sa pagkakaroon na ng anak ni Bianca Manalo. Nagsimula ang bali-balitang may anak na si Bianca nang magpost ang beauty queen ng mga larawan na may kasama siyang bata.
Isa na rito ay ang ipinost na larawan ni Bianca sa kanyang IG account na may kasama siyang napaka-cute na baby. Isa din sa mga naging basehan ng mga netizens na sabihing may anak na si Bianca ay ang kamakailang Instagram post nito kasama ang nobyong si Win Gatchalian kung saan binati niya ang isang teenager para sa 16th birthday nito.
Isang netizen ang nagkomento at nagakalang anak ni Bianca Manalo ang binati nito.
Sa isang pormal na pahayag, nilinaw niya na walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu na may anak na siya sa pagkadalaga. Maging si Sen. Win ay wala ring anak sa pagkabinata.
Ayon mismo sa pahayag ng beauty queen ang kanilang ipinopost sa social media ay kanilang mga pamangkin. Nilinaw niya sa lahat ng kanyang mga followers na wala pa talaga siyang anak at wala pa sa isip nila iyon sa ngayon. Pero kung pagkakalooban naman sila, ay kanila itong tatanggapin ng bukal sa puso.
Samantala ang mas inaabangan ngayon ng lahat ay kung kailan magpapakasal ang matagal nang magkarelasyon na sina Bianca Manalo at Win Gatchalian.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load