Mula sa TikTok ni Camille Viceral at Instagram ni Vice Ganda
Hindi napigilan ng pamangkin ng komedyanteng si Vice Ganda na si Camille Viceral na bumanat kontra sa isang kritiko na sinasabing umaasa lang sila sa kinikita ng “It’s Showtime!” host.
Sa kaniyang TikTok account, pumalag si Viceral sa komento ng isang basher na si Vice lamang ang source of income ng kanilang pamilya.
“Nakakabastos po. Lumaki po kami sa hirap at alam namin na ang pag-unlad ng isa ay hindi pag-unlad ng lahat. Dahil kung ‘yun po ang iisipin namin, hihilahin po namin ‘yung tao pababa,” saad ni Camille.
Dagdag pa ni Viceral, may kani-kaniya silang pag-iisip at paraan upang kumita kaya hindi totoong umaasa lamang sila sa kaniyang tiyuhin.
Paliwanag ni Camille, bagamat nakakatanggap ng tulong o regalo mula kay Vice, hindi umano sila naghahangad ng higit pa sa naibibigay sa kanila.
“Kung ano po ‘yung binibigay sa ‘min, ‘yun lang po ‘yung aangkinin namin. Hindi na rin po kami maghahangad nang sobra-sobra pa doon. Ayun lang. Huwag po tayong nag-a-assume at huwag po tayong bastos,” banat pa niya.
Umabot na sa 1.4 milyon ang nakapanood ng video ni Viceral habang nasa higit 140,000 ang nag-like nito sa TikTok.
Si Camille ay anak ng kapatid ni Vice.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load