Vic Sotto na-touch sa birthday surprise ng Eat Bulaga!
70 na si Bossing.
Vic Sotto with his birthday cake; the birthday boy with his family: (L-R) Oyo Sotto, wife Kristine Hermosa, and their daughter Ondrea; Vic and Pauleen Luna-Sotto with daughters Tali and Mochi; behind Pauleen is Marc Pingris, Danica Sotto, and Paulina Sotto
PHOTO/S: Dabarkads – TVJ Eat Bulaga na on Facebook; @pauleenlunasotto on Instagram
GORGY RULA
Maagang ipinagdiwang ng Eat Bulaga! ang 70th birthday ni Vic Sotto.
Si Mayor Vico Sotto lang ang wala sa studio ng TV5 nung Sabado, April 20, 2024.
Pero mahaba naman ang exposure niya sa VTR na inihanda para kay Bossing Vic.
Nandoon ang mga anak ni Bossing Vic, pati ang mga apo na meron ding partisipasyon sa birthday segment nito.
Na-surprise daw talaga si Bossing Vic dahil wala siyang kaalam-alam sa mga inihanda para sa kanyang birthday celebration.
Pati ang pagkanta ni Talitha ay hindi rin daw niya alam. Mahilig naman kasi talaga kumanta ng panganay nila ni Pauleen Luna.
VIC SOTTO’S ACTUAL BIRTHDAY CELEBRATION
Sabi naman noon pa ni Pauleen na hindi sila mahilig magbigayan ng regalo sa mga espesyal na selebrasyon.
Buong taon daw silang araw-araw na nagreregaluhan ng pagmamahal.
Dugtong ni Bossing Vic, sapat na sa kanila ang “gift of family” at “gift of friends.”
Sa April 28 pa ang mismong kaarawan ni Bossing Vic, at nasa Hong Kong sila niyan.
Mahigit dalawampu raw silang lilipad sa Hong Kong para doon i-celebrate ang kanyang 70th birthday.
Kasama niya ang mga anak, mga apo, kapatid, halos buong pamilya. Sayang nga at hindi makakasama si Baby Mochi dahil masyado pa raw itong bagets.
NOEL FERRER
VIC SOTTO ON IT’S SHOWTIME
Hindi mahilig magpapatol si Vic Sotto sa mga isyung ibinabato sa kanila sa Eat Bulaga!. Pero umayon siya sa sinabi ni Joey de Leon na hindi nila kaaway ang It’s Showtime.
Magkalaban sila dahil magkatapat ang kanilang programa, pero iba raw ang magkalaban sa magkaaway.
“Never naming sasabihing kaaway. Katapat, kalaban, pero kaaway? Iba yung kaaway namin. Alam niyo na kung sino yun.
“Iba yung kaaway sa kalaban, e. Iyong kalaban… it could be a friendly competition.
“It has always been the case, ‘no, with Eat Bulaga! and Showtime.
“Ilang taon na kaming magkatapat. Mananalo kami, mananalo sila. Iyon ang nagpapasaya ng tanghalian ng [mga] Pilipino e. Dapat ganun lang.
“May mga fans na nagbabangayan, pero, at the end of the day, dapat masaya lang tayo,” saad ni Vic Sotto nang nakatsikahan ito ng ilang miyembro ng entertainment press sa TV 5 nung Sabado.
Komento ng entertainment editor na si Jun Lalin, sinabi raw ni Paolo Contis na nagkatapat lang ang show nila, pero kapag nagkita naman daw sila, babatiin pa rin niya si Bossing.
“Wala yun!” pakli ni Bossing Vic.
“Ako naman personally, naintindihan ko, trabaho lang yun. Pero yung kaaway, iba yun. Hindi ko babatiin yun!” bulalas ng komedyante at Eat Bulaga! host.
Naging main host si Paolo ng Tahanang Pinakamasaya, na siyang pumalit sa noontime slot ng Eat Bulaga! sa GMA-7, noong June 5, 2023. Nagsimula namang umere ang Eat! Bulaga sa TV5 noong July 1, 2023.
JERRY OLEA
Cool lang ang mga taga-Eat Bulaga! sa matinding tapatan nila ngayon ng It’s Showtime.
Naintindihan nila kung bakit nauungusan sila ngayon ng It’s Showtime, at hindi sila nagpapaapekto dahil nakikita sa ratings na hindi bumitaw ang mga loyal viewers nila.
Kung anu-anong tsismis ang ibinabato sa kanila na hindi naman daw totoo.
Ipinagkibit-balikat na lang daw ito ni Vic Sotto.
Hiningan siya ng reaksiyon sa mga patuloy pa ring pagkakalat ng isyu tungkol sa Eat Bulaga, pati ang mga trolls na umaatake sa kanila.
Ang pinaka-recent ay patungkol sa pagkakaroon diumano ng meeting ng mga producers dahil sa paglobo raw ng production cost ng noontime show.
Ani Vic, “Lilipas din iyan, e. Ako naman yung mga troll na sinasabi, ako’y may panlaban dun, scroll. Scroll mo na! Balewala na lahat yun.”
Naniniwala siyang alam daw ng mga tao ang totoo at fake news.
“Matalino na ang mga kababayan natin ngayon, alam nilang fake news yun. At hindi naman tumatagal. After a while, labas na rin ang katotohanan,” sabi pa ni Bossing Vic.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load