Ariel Rivera, emosyonal na binalikan ang huling sandali nila ng kanyang ama  | GMA Entertainment

Sa pagbisita ni Ariel Rivera sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ ngayong June 16, emosyonal niyang ibinahagi ang mga huling sandali kapiling ang kaniyang amang si Ben Rivera.

Bukod dito, binalikan din ni Ariel ang pagsisimula ng kaniyang career kasama ang kaniyang manager noon na si Boy Abunda; pati na rin ang kaniyang buhay ngayon bilang artista, asawa ni Gelli De Belen, at ama sa mga anak na sina Joaquin and Julio Rivera.

1 of 7

Photo by: rivera.arieljose

Ariel Rivera

Isang masayang pagkikita nina Ariel Rivera at Boy Abunda ang napanood ngayong June 16 sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’

2 of 7

Photo by: Fast Talk with Boy Abunda

Pamilya

Ayon kina Boy at Ariel, itinuturing nilang pamilya ang isa’t isa dahil sa tagal na ng pagsasama nila sa industriya. Si Boy ang naging manager ni Ariel nang magsimula siya sa showbiz.

3 of 7

Photo by: Fast Talk with Boy Abunda

Unhappy

Inamin ni Ariel na naging “unhappy” siya noon sa mundo ng showbiz. Inilahad rin niya na ito ay dahil sa sanay siya sa pagiging pribado sa kaniyang personal buhay. Ani Ariel, “Im always a private person. I want to keep things to myself.”

4 of 7

Photo by: rivera.arieljose

Kilabot ng mga kolehiyala

Nang balikan naman ni Ariel ang kaniyang pagsisimula sa mundo ng OPM, inamin niyang hindi niya gustong tinatawag siyang “Kilabot ng mga Kolehiyala.” Ayon kay Ariel, “It’s so presumptious of me to feel na all those kolehiyalas love me.”

5 of 7

Photo by: Fast Talk with Boy Abunda

Father

Naging emosyonal naman si Ariel nang kaniyang balikan ang mga huling sandali na nakasama niya ang ama na si Ben Rivera. Inilahad niyang nagkasakit ang ama at nakapiling niya ito nang nasa ICU na siya sa Canada.

Mensahe ni Ariel para sa yumaong ama, “Thank you, dad. Thank you everything that you have done for me. I said, don’t worry I’ll take care of mom. ‘Pag pagod na kayo, magpahinga na kayo.”

6 of 7

Photo by: rivera.arieljose

life with Gelli

Pinag-usapan naman nina Boy at Ariel ang buhay ng huli kapiling ang asawa niyang si Gelli. Sina Ariel at Gelli ay mahigit 20 taon nang mag-asawa.

7 of 7

Photo by: rivera.arieljose

As a father

Ayon kay Ariel, ang kaniyang pagiging ama kina Joaquin and Julio Rivera ay inspired sa kaniyang ama. “I am who I am because of my dad.”