AC Bonifacio, tinawag na 'fake' si Ashley Ortega

Viral sa social media ang mga video clips mula sa Pinoy Big Brother o PBB matapos sabihin ni AC Bonifacio na ‘fake’ umano si Ashley Ortega.

AC Bonifacio and Ashley Ortega issue

Sa isang episode ng Pinoy Big Brother, binigyan ni Big Brother ng task ang mga Kapamilya housemates at dahil nagtagumpay sila; may kakayanan silang magbigay ng ‘immunity’ para sa isang Kapuso Housemate.

Sa kanilang pagpupulong sa task room, dito na nagusap-usap ang mga Kapamilya housemates kung sino ang karapa’t-dapat na makakatanggap ng ‘immunity’ mula sa kanila at dito na sinabi ni AC na malabong mapunta kay Ashley ang naturang immunity.

Ani AC : “Si Ashley ‘yong pinaka…I feel like she’s still being fake in this house…”

Matapos ang kanilang paguusap-usap, napunta kay Charlie Fleming ang ‘Immunity Medal’ at ligtas na siya sa first nomination.

Netizens, pumalag kay AC

Tila marami naman sa mga netizens ang napatanong kung si Ashley nga ba talaga ang ‘fake’ sa loob ng Bahay Ni Kuya o si AC.

Marami na rin kasi ang nakapansin na hindi maayos ang pakikitungo ni AC sa ibang mga housemates lalong-lalo na sa mga Kapuso housemates.

New Duo

Matapos bigyan ni Big Brother ng task ang Kapamilya housemates, dito na nagpalit ng bagong duo ang mga housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Kaya naman laking gulat ni AC na ang bago niyang ka-duo ay si Ashley, agad na nakonsensya si AC dahil sa mga sinabi niya sa loob ng task room tungkol sa Kapuso aktres.

Agad na ibinahagi ni AC kay Ashley ang mga nasabi niya tungkol sa dalaga at humingi siya ng tawad.

Ani AC kay Ashley : “I just feel bad kasi nagulat talaga sila [Kapamilya housemates] when I opened up, when I said that about you that I don’t feel like you are genuine.

“Nagulat talaga sila kasi they don’t know that it’s like that. I’m sorry.” umiiyak na niyakap si Ashley.

Ashley Ortega, naintindihan si AC

Agad na sinabi ni Ashley kay AC na wala itong problema para sa kanya dahil naiintindihan niya ang kalagayan ni AC at sinabing okay lang sa kanya ang mga nangyari.

Sagot ni Ashley : “I really appreciate you, telling me that. And don’t feel like just because you’re being paired with me that you have to say just because you said that inside the room

“Some of the housemates might not like my attitude and I’m ready to accept that.” dagdag ni Ashley.

WATCH HERE :