Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Carmina Villaroel patungkol sa pakikipagrelasyon ng kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Binalikan ng maraming mga netizens ang pagiging overprotective ni Carmina Villaroel sa kanyang mga anak. Hanggang ngayon marami pa rin an naghihinala na ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi ay dahil sa pangingialam ni Carmina Villaroel.
Matatandaan na noong pumutok ang balitang hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ay nagbahagi ng isang cryptic post si Carmina Villaroel, upang ipagtanggol ang kanyang anak laban sa mga pambabatikos lalo na sa pagkalat ng mga video kung saan kasama nito ang kapwa host sa Tahanang Pinakamasaya na si Dasuri Choi.
Kahit hindi naman inamin nina Cassy Legaspi at Darren Espanto ang kanilang relasyon, makikita naman ito sa paraan ng kanilang paglalambingan sa social media. Subalit, ngayong tila nawalan na sila ng amor sa isa’t-isa may mga netizens na naghinala na may kinalaman rin dito si Carmina Villaroel.
Muling naging laman ng mga usap-usapan ang aktres na si Carmina Villaroel at anak nitong si Cassy Legaspi matapos ang halos sabay nilang pagbabahagi ng mga cryptic post sa social media, matapos ang pagsisiwalat ni Darren Espanto na walang namamagitan sa kanila ni Cssy dahil matalik na magkaibigan lamang silang dalawa.
Hinamon pa ng maraming mga netizens ang mag-ina na pangalanan ang taong tinutukoy nilang pareho sa kani-kanilang mga social media posts.
Sa kabilang banda, muling lumutang ang mga video clips na kuha sa isang podcast ni Janice De Belen kung saan napag-usapan nila ang kanilang magiging reaksyon sakaling magdala ng babae o lalaki ang kanilang mga anak sa bahay, subalit hindi nila bet ang dinala ng anak.
Unang nagbahagi si Carmina Villaroel kung saan iginiit niya na kinikilala niya ang lahat ng kaibigan o jowa ng kanyang mga anak, kahit ang kanilang kapitbahay, dahil very open naman umano sila sa isa’t-isa.
Pinaprangka rin umano niya ang kanyang mga anak kung hindi niya type ang mga taong dinala nito at hindi na ito makakaulit pa sa kanilang bahay.
Ipinunto pa ni Carmina Villaroel na hindi siya mag-aadjust sa mga jowa ng kanyang mga anak dahil siya ang ina.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load