Hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin ng pambabatikos ang mag-inang Carmina Villaroel at Mavy Legaspi mula sa mga netizens dahil sa kamakailang hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
Marami sa mga netizens ang naghinalang si Carmina Villaroel ang isa sa mga dahilan ni Kyline Alcantara sa pakikipaghiwalay niya kay Mavy Legaspi, nakikialam umano ang si Carmina Villaroel sa relasyon ng dalawa at dahil isang mama’s boy si Mavy, sinusunod nito ang kanyang ina.
Ayon pa sa ilang mga netizens, kinukunsinti umano ni Carmina Villaroel ang mga kamalian ng kanyang mga anak kahit pa nakakasakit na ang mga ito sa ibang tao.
Hindi rin nagustuhan ng ilang mga fans ni Kyline Alcantara ang mga pasaring at parinig ni Carmina Villaroel laban sa Kapuso actress kung saan tinawag niya itong hindi totoong kaibigan ng kanyang anak
Samantala sa kamakailang panayam ni Ogie Diaz kay Carmina Villaroel, natalakay ng celebrity mom kung paano hinaharap ng kanilang pamilya ang pambabatikos na natatanggap nila mula sa mga bashers.
Inalala pa ni Carmina Villaroel ang mga panahon na wala pang social media at mga kolumnista pa lamang ang nakakapagbigay ng opinyon laban sa kanilang mga artista subalit ngayon dahil sa social media, lahat na umano ang maaring makapagbibigay ng komento sa kanila mabuti man o hindi.
Nagbigay rin ng saloobin si Carmina Villaroel sa mga taong bumabatikos sa kanila kahit wala namang kinalaman ang mga ito sa kanila at hindi sila lubos na kilala.
Pinaalalahanan ni Carmina Villaroel ang kanilang mga bashers na sana bago sila husgahan o bago magkomento ang ng kung ano-ano na madali na lamang na gawin ngayon lalo na umano iyong mga taong gumagamit ng mga dummy account at itinatago ang kanilang sariling pagkakakilanlan.
Napakadali na lamang umano ngayong manira ng kapwa at husgahan na lamang umano sila kahit hindi pa nila sinasabi ang kanilang side ng story. Kaagad na umanong pinapaniwalaan ang mga sinasabi ng kabila.
Bagama’t wala namang binaggit na pangalan si Carmina Villaroel, marami ang naghinala na ang kabila na tinutukoy ni Carmina ay walang iba kundi ang ex-girlfriend ng kanyang anak na si Mavy Legaspi.
Iginiit din ni Carmina Villaroel na wala sila sa contest na ang basehan ay ang dami ng mga naniniwala sa kanilang kwento. Nanahimik lamang umano sila dahil ayaw nila ng gulo, ayaw nila ng problema at ayaw nila ng intriga.
Inamin rin ni Carmina Villaroel na sila ng kanyang mister na si Zoren Legaspi ang labis na nasasaktan sa tuwing nahuhusgahan at napagbibintangan kahit wala namang kasalanan ang mga ito.
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ni Kyline Alcantara hinggil sa mga isiniwalat ni Carmina Villaroel.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load