Hinangaan ng mga netizens ang closeness ng mga anak ni Karla Estrada na nasaksihan ng marami sa naganap na 18th birthday ng kanyang bunsong anak na si Carmella Ford na ginanap noong sabado.
Naroon naman sa nasabing celebrations ang kanilang mga mahal sa buhay, mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.
Kaagad naman na nagtrending sa ilang mga social media platforms ang sweet dance nina Daniel Padilla at Carmella Ford dahil kitang-kita umano ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.
Ayon naman sa ilang mga tagahanga ng aktor na hindi lang naman kay Carmella malapit si Daniel Padilla kundi sa lahat ng kanyang mga kapatid na sina Magui at Jose Carlito.
Marami naman ang nakapansin sa ganda ni Carmella Ford kaya naman marami ang mga nagsasabing nararapat rin nitong pasukin ang industriya ng showbiz.
Samantala sa mga nakaraang panayam kay Carmella sinabi niyang handa siyang pumasok sa mundo ng showbiz kagaya ng kanyang kuya na si Daniel Padilla at ina na si Karla Estrada.
Gayunpaman, inilahad ni Carmella na wala sa kanya ang desisyong ito dahil nasa kanyang ina at kuya subalit kung siya man ang pagpapadesisyunin ay handa siyang pasukin ang magulong mundo ng showbiz.
Naitanong rin noon kay Carmella kung handa ba siyang harapin ang mga bashing at negative comments na kaakibat ng kanyang trabaho. Kaagad naman itong sinagot ni Carmella na gusto niyang subukan ang lahat ng ito.
Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Karla Estrada ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga tao na bumubuo sa pre-debut photoshoot ni Carmella na ginanap sa Bagac Bataan.
Ayon kay Karla Estrada, isa itong buwis buhay na karanasan dahil walang takot na umakyat sa mataas na puno si Carmella kaya naman tinatawag niya ito bilang warrior princess.
Pahayag ni Karla Estrada, malaki ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga suplliers na tumulong upang maging matagumpay ang pre-debut shoot ng kanyang anak at tinupad ng mga ito ang pangarap ng kanyang anak.
Hindi rin kinalimutan ni Karla Estrada na pasalamatan ang Nice Print Photography na nasa likod sa pag-capture sa masasayang moments ng kanilang pamilya sa debut ni Carmella Ford.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load