Kenneth Hizon, nabulabog ang mundo dahil sa rebelasyon ni Kathryn Bernardo.
Netizens quickly discovered the identity and social media acounts of Kathryn Bernardo’s “first ever crush” whom she identified as “Kenneth.” Based on the investigation made by netizens, Kenneth (right) is now a doctor.
PHOTO/S: @bernardokath on Instagram / Edward Hizon Facebook
Popular search ngayon sa social media ang pangalang “Edward Hizon.”
Siya ang pinaniniwalaang ama ni Kenneth, ang “first-ever crush” ng A-list star na si Kathryn Bernardo.
Naging trending topic din nitong nakalipas na mga araw ang “Kenneth” matapos pangalanan ni Kathryn ang kauna-unahan niyang crush noong Grade 2 pa lamang siya.
Isiniwalat ito ni Kathryn sa episode ng Pilipinas Got Talent (PGT) noong Linggo, Abril 6, 2025.
“Ang first-ever crush ko, siguro Grade 2 ako noon, sa probinsiya namin. Yung first ever, mestizo siya, mestizo siya,” paglalarawan pa ng aktres kay Kenneth.
Hindi naging mahirap para sa netizens na hanapin si Kenneth.
Sa tulong ng social media at masusing imbestigasyon, nakakuha sila ng kopya ng mga larawan nina Kathryn at Kenneth noong mga paslit na bata pa ang mga ito.
‘AT NAHANAP NA NGA SI KENNETH’
Ayon sa mga marites at magagaling mag-imbestiga na netizen, ang ‘Kenneth Hizon’ ang umano’y nag-iisang may pangalan ng Kenneth na naging kaklase noon ni Kathryn kaya naman siya ang itinuturo ng marami.#KathrynBernardo #KennethHizon pic.twitter.com/98cK4t6LcR
— Kapamilya Outsider (@kpmlyaoutsidr) April 8, 2025
Natunton din nila ang Facebook account ng isang Edward Hizon na sinasabing ama ni Kenneth.
Noong Lunes, Abril 7, 2025, ni-repost ni Edward sa Facebook ang video ng pag-uusap ni Kathryn at ng mga kasamahan niya sa PGT na sina Melai Cantiveros at Eugene Domingo.
Caption niya rito, “Dpa nya nkalimutan bnso q”
Ang “bunso” na tinutukoy ni Edward ay si Kenneth.
Sa kasalukuyan ay meron na itong 5.3K likes at mahigit 750 comments mula sa netizens na tuwang-tuwa sa kanilang tagumpay makahanap ng mga impormasyon tungkol sa childhood crush ni Kathryn.
WHO IS KENNETH?
Biglang nabulabog ang mundo ni Kenneth dahil sa rebelasyon ni Kathryn.
Nalaman ng netizens na ganap nang doktor si Kenneth dahil binati siya ng kanyang ama sa tagumpay niya sa pamamagitan ng isang Facebook post na may petsng Abril 18, 2024.
“Congratulations!!! Dr. Kenneth Edward B. Hizon. May anak nko n doktooooor. Thank you very much Lord. We are very proud of you my son!!!” mensahe ng pagbati ni Edward sa bunsong anak.
Base sa mga larawan at impormasyong nahanap ng followers ni Kathryn, isang taon ang tanda sa kanya ni Kenneth.
Pero hindi nagkakalayo ang petsa ng kanilang mga kaarawan.
Isinilang si Kenneth noong Marso 16, 1995; samantalang Marso 26, 1996 naman ang araw ng kapanganakan ni Kathryn.
Kapwa rin sila nagmula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Natuklasan na rin ng mga kinikilig na netizens ang Facebook at Instagram accounts ni Kenneth.
Nadagdagan na ang bilang ng kanyang followers at pinuputakti ng mga komento ang mga social media post niya dahil marami pang nais malaman ang fans ni Kathryn tungkol sa personal na buhay niya.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load