Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens matapos kumalat sa social media ang video clip kung saan makikita ang pagbibiro ni Joey De Leon sa kanyang kapwa Eat Bulaga host na si Miles Ocampo kaugnay sa pagiging mataba nito.
Ang nasabing video ay kuha sa mismong araw na ipinagdiwang ni Miles Ocampo sa Eat Bulaga ang kanyang ika-27 na kaarawan.
Unang nagbiro si ang Eat Bulaga host na at former Senador na si Tito Sotto kay Miles Ocampo kung saan ginamit nito ang segment nilang ‘Perapy, pataas o pababa’ para ilarawan ang edad ni Miles Ocampo.
Subalit, bigla na lamang sumingit si Joey De Leon at sinabi niyang ‘pataba’, kaagad naman nitong binawi ng komedyante at sinabi ‘pababa’.
Hindi naman ito nagustuhan ng mga tagahanga ni Miles Ocampo dahil naniniwala silang hindi deserved ng aktres na si Miles Ocampo o ng kahit na sinong babae na pagsabihan ng mataba lalo na kung hindi naman alam kung ano ang totoong pinagdadaanan nito.
May mga nagsasabi pang talagang hindi na nagbabago si Joey De Leon sa mga nakaka-offend nitong pagbibiro sa kanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga na tila ba hindi umano nito iniisip ang nararamdaman ng kanyang mga kasamahan sa show.
May mga nagsasabi pang talagang nakak-offend ang komento ni Joey De Leon dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong sakit si Miles Ocampo. Iyong iniinum nitong gamot ang siyang nagpapataba sa aktres.
May mga nagsasabi pang nararapat nang magretire si Joey De Leon dahil matanda na ito. May nakapansin rin na tila nagiging cringey na ito lately at minsan ay inaaway na nito ang kanilang mga contestant.
Marami naman ang naawa kay Miles Ocampo dahil noon pa man ay aminado na ang aktres na naaapektuhan siya sa mga nam-body shame sa kanya subalit wala siyang magagawa dahil mayroon siyang health conditions.
Samantala, may mga nagtatanggol pa rin naman kay Joey De Leon kung saan ipinunto nila ang closeness nila ni Miles Ocampo. May mga nagkumpara pa sa mga biro ni Vice Ganda sa kanyang mga kasamahan na maihahalintulad rin naman umano sa ginawa ni Joey De Leon kay Miles Ocampo.
News
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
Dalawang Anak Nina Coco Martin, Julia Montes Pinangalanan Ni Cristy Fermin
Kinumpirma ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang isyung may anak na ang Kapamilya actress na…
End of content
No more pages to load