It happens in Boracay.
Patrick Garcia and Nikka Martinez celebrate their 10th anniversary and renew their wedding vows in Boracay.
PHOTO/S: Team PEP; @chekakramer on Instagram (R)
GORGY RULA
Simple at napaka-intimate ng selebrasyon ng mag-asawang Patrick Garcia at Nikka Martinez na nagdiwang ng kanilang 10th wedding anniversary noong Sabado, March 22, 2025.
Nagkaroon sila ng renewal of vows sa The Lind, Boracay.
Isang Christian ceremony ito na dinaluhan ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan.
Patrick Garcia and wife Nikka Martinez with the pastor who officiated the ceremony for the renewal of their wedding vowsÂ
Photo/s: TEAM PEP
Nandoon siyempre ang Team Kramer ng mag-asawang Cheska at Doug…
Team Kramer: husband and wife Doug and Cheska Kramer (seated) with their kids (L-R) Kendra, Gavin, and ScarlettÂ
Photo/s: @chekakramer on Instagram
Siblings Cheska Kramer and Patrick Garcia, who started their showbiz careers in Ang TV KidsÂ
Photo/s: @chekakramer on Instagram
Garcia siblings Cheska Garcia-Kramer (L), Patrick Garcia (2nd from R), and Pichon Garcia (R) with Patrick’s wife Nikka Martinez-Garcia (2nd from L)Â
Photo/s: @chekakramer on Instagram
…at ilan sa close friends sa showbiz na sina Paolo Contis, Kaye Abad, at Isabel Oli.
Nagkita raw sa okasyon ang mag-ex na Paolo at Isabel, pero hindi na ako sinagot ng aktor nang tinanong ko kung nagkatsikahan ba sila.
Nag-confirm na darating si John Lloyd Cruz, pero hindi ito nakarating dahil nagkaroon daw sa kanila ng emergency. Hindi naman sinabi kung anong nangyari.
Sa loob ng sampung taong pagsasama nina Patrick at Nikka bilang mag-asawa, nagkaroon sila ng apat na anak.
Cheska Kramer (2nd from L) with the daughters of her brother Patrick: Chelsea (R), Nicole Patrice (L), and Francisca Pia (2nd from R)Â
Photo/s: @chekakramer on Instagram
Kitang-kita ang saya nila, lalo na si Patrick na sumasayaw-sayaw pa pagpasok nito sa lugar kung saan ginanap ang seremonya.
Congratulations sa mag-asawang Patrick at Nikka!
Cousins Chelsea Garcia, the eldest of Patrick Garcia and wife Nikka, with Gavin Kramer, the unico hijo of Doug and Cheska KramerÂ
Photo/s: @chekakramer on Instagram
JERRY OLEA
Matagal nang nag-confirm si Paolo na dadalo siya sa renewal of vows nina Patrick at Nikka.
Kaya hindi siya makakadalo sa Star Awards for Television ngayong gabi, March 23, Sunday night, sa Dolphy Theater.
Nagwagi si Paolo bilang Best Actor in a Single Performance kung saan ginampanan niya ang role ng businessman/vlogger at dating manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino sa Magpakailanman.
Mukhang may binubuong magandang project ang magkakaibigang Patrick, Paolo, at John Lloyd.
Ayaw nilang sabihin kung pelikula o TV show ito, pero mukhang isang TV show na pagsasamahan nilang tatlo.
Hindi lang namin sure kung kasali rin ba si Kaye Abad na naka-base na sa Cebu.
NOEL FERRER
A-attend din talaga ako dapat sa renewal of vows nina Patrick at Nikka, pero ang dami lang talagang ganap dito, at nagpasabi na ako sa mag-asawa.
Bagama’t na-miss ko ang event, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal at paggalang ko sa kanilang dalawa at kung paano nila inayos ang kanilang buhay lalo na ang kanilang pamilya. Nakaka-proud talaga.
patrick and nikka garcia at the renewal of thheir wedding vowsÂ
Photo/s: Gorgy Rula
Pareho rin silang awarded for their great performance sa kanilang work bilang financial advisers.
At bilang aktor, naghihintay lang kami ni Patrick ng magagandang roles na worth his time para mag-leave sa kanyang day job at iwan ang kanyang pamilya pansamantala, if ever.
Sana, ito na ngang niluluto nilang proyektong magkakaibigan kung sakali.
In the meantime, soon to be released na ang pelikulang ConMom tampok sina Kaye, Paolo, at Patrick, kasama rin si Empoy Marquez. Abangan natin ito!
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load