Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama Mir, pagkatapos ng 12 taong pagsasama.
Sa kanyang Instagram post, isiniwalat ni Queenie, na kilala rin sa kanyang Muslim na pangalan na Mashel Khadija Mir, na nagpasya siyang wakasan ang kanyang kasal sa asawang Pakistani na si Usama Mir dahil sa ‘irreconcilable incompatibility, “na hindi na niya idinetalye pa.
“Assalamualaikum, after much thought and consideration, my husband and I have decided to separate due to irreconcilable incompatibility,” pahayag nito.
Iginiit naman niya na ang kanyang desisyon na ito ay hindi minadali dahil ilang buwan rin niya itong pinag-iisipan ng mabuti.
“This decision wasn’t taken overnight. It has been years and months of trying to work things out,” dagdag pa niya.
Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, nilinaw ni Queenie na ang kanyang asawa ay isang responsableng ama sa kanilang anak at iginagalang pa rin ito.
“I will always have love, honour and respect for the father of my child. He’s a great father and responsible human being. Although life has taken us on different paths right now, I will forever cherish the 11 years we’ve had together.”
Naiulat ang pagpapakasal noon nina Queenie at Usama noong 2012, at mula noon, ay naging pribado na ang maraming bagay patungkol sa pagsasama nilang dalawa bilang mag-asawa.
Si Queenie Padilla ay isa sa mga anak ni Sen. Robin Padilla, na isa ring Muslim.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Sen. Robin Padilla kasunod ng desisyon ng kanyang anak na makipag-divorce sa asawa.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
Dalawang Anak Nina Coco Martin, Julia Montes Pinangalanan Ni Cristy Fermin
Kinumpirma ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang isyung may anak na ang Kapamilya actress na…
End of content
No more pages to load