Sa bihirang pagkakataon ay naging bukas ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez tungkol sa pinagdaanan niyang pagsubok sa relasyon nila ng asawang si Ogie Alcasid. Sa ‘Magandang Buhay’ nitong Lunes March 21, 2022, bumuhos ang luha ni Regine nang balikan ang kanyang pagiging third party umano sa hiwalayan ni Ogie sa dati nitong asawa na si Michelle Van Eimeren. Ayon kay Regine, bagama’t hindi niya ito intensyon isa umano sa pagsisisi niya sa buhay ay ang nakasakit siya sa ibang tao nang hindi inaasahang mahulog ang loob niya kay Ogie.
“My husband and I started that way pero ‘yun kasi we were good friends. Hindi ko naman sinasadya kasi pwede rin namang mangyari talaga iyon. Hindi mo naman pinipili yung mga mamahalin mo. Parang, gusto ko bang sadyain ‘yun? Gusto ko ba na merong masaktan? May mga matitinong tao na hindi naman iyon ang iniisip nila. It’s just that sometimes it happens,” ani Regine.
“Hindi ko rin alam ang nangyayari sa marriage nila at that time. I don’t know kasi hindi naman ako kasali doon but it happen. But I just have to say, it was so difficult and if I can turn back the time, I love my husband but if I could bring back the time siguro gugustuhin ko na wala kaming nasaktan, na walang dalawang bata na nagsuffer because we wanted to be together.”
Pag-amin pa ni Regine, kahit noong napatawad at nagkaayos na sila ni Michelle ay patruloy niyang sinisi ang kanyang sarili dahil sa nangyari.
“For a while, I have to say I had to live with that guilt . Like I was living in that guilt and my husband would say, ‘it’s was not about you, it was about me and Michelle’ but even the I was there. I was part of it. I was the third party. And for a time, na forgive na ako ni Michelle, na forgive na ako ng mga tao except me I wasn’t forgiving myself and I’m still working on it. Every now and then, I would remember what happen to us and I’d still be guilty. So mahirap din to be in that situation na hindi mo naman sinasadya na magmahal ng tao. I’m a decent person and I do not want to hurt anyone that’s the last thing that I would want in my life but it happens,”sabi pa ni Regine.
Bagama’t nakamove-on na siya sa nangyari. Inamin ni Regine na may pagkakataon pa rin na bigla niya itong naiisip at muli siyang nakakaramdam ng guilt.
“I think na I’d already forgiven myself, hindi na ako masyadong nagiguilty but once in a while I would remember or pag may nangyayari doon sa dalawang girls. But iniisip ko na lang, hindi na ‘yun ang sitwasyon. Ako na yung asawa niya. I’m not outside anymore. I’m his family now. So tinatry kung tanggapin yung sarili ko doon,” aniya.
“But again it was so difficult because the kind of person that I am. I remember things, I don’t like anyone. Very sensitive ako na ako na lang yung magsasakit sakitan kesa sa masasaktan kita.”
Sa huli ay nagbigay ng kanyang advice o payo si Regine sa mga katulad niya na hindi inaasahang naging third party sa isang relasyon.
“Doon sa mga nagiging third party of course we know what’s right and wrong but sometimes when you are in that situation. Pinipili mong wag tingnan yung mali, pipiliin mo lang yung nasa puso mo and it’s very difficult to decide not to be in that situation anymore kasi doon ka masaya.”
Sa ngayon ay higit isang dekada nang kasal sina Regine at Ogie. Mayroon na din silang anak na sampung taong gulang na. Samantala masaya na rin sa kanyang buhay may asawa si Michelle. Ikinasal ang dating aktres at dating beauty queen sa kanyang mister na si Mark Moroe sa Australia noong 2009.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load