
Nagpahayag ng panghihinayang ang aktres na si Rosanna Roces sa pagkasira ng pagkakaibigan nila ng komedyanteng si Ai-Ai delas Alas.
Sa naging panayam ni Aiko Melendez kay Rosanna Roces, tinanong tinanong niya ito tungkol sa saloobin nito sa pagkakaibigan.
Kaagad naman itong sinagot ni Rosanna Roces na mas mabuti na ang isang tao ay magkaroon lamang ng ilang mga kaibigan na tapat kaysa magkaroon ng marami ngunit nagsasalita sa iyong likuran.
Binalikan din niya ang dating pagkakaibigan nila ni Ai-Ai, at sinabing masaya ang relasyon nila ng komedyante noong mga panahon na iyon.
Idinetalye naman ni Rosanna Roces ang totoong nangyari sa pagkakaibigan nila ni Ai-Ai Delas Alas at kung paano ito nasira dahil sa panunulsol ng ibang mga tao at ang magkaiba nilang mga raket.
“Yung pinagsamahan namin noon, totoo eh… Sobrang saya, sobrang nakakatawa,” pagbabalik tanaw ni Rosanna Roces.
“Nahaluan lang ng mga… pero nahaluan din ng mga magkakaibang raket na nagkakabangga bangga,” pahayag pa ni Rosanna Roces.
Subalit ang totoong pinag-awayan umano nila noon ay nag-umpisa sa show nila sa Dagupan, kalakasan naman umano nila ang mag-show noon subalit hindi niya alam na bago ang kanilang show ay nauna na palang nagkaroon ng show roon sina Ai-Ai Delas Alas at Ara Mina kaya nag-flop ng husto ang kanilang show.
“Ang totoong pinag-awayan namin, may show kami sa Dagupan, kalakasan namin mag-show no’n, hindi ko alam before ng show namin, nag show siya with Ara Mina, so nag-flop ‘yun ng husto.”
Naghinala naman si Rosanna Roces na ang dahilan ng pagsama ng loob sa kanyang ni Ai-Ai Delas Alas ay ang pagkatanggal nito sa poster ng kanilang show subalit wala rin naman umano siyang alam roon dahil desisyon ng kanyang producer na tanggalin ito.
“So ang ginawa ng producer ko na hindi ko naman alam, tinanggal siya sa poster – So nung nakita niya ‘yun siguro, sumama ‘yung loob niya,” pagbabahagi ni Rosanna.
Gayunpaman, hiling ni Rosanna Roces ngayon na muling manumbalik ang kanilang pagkakaibigan at magkaroon ulit sila ng show na magkasama.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load






