Vic Sotto na-touch sa birthday surprise ng Eat Bulaga!

70 na si Bossing.

Left photo shows Vic Sotto with his birthday cake; right photo shows his famly (L-R) Oyo Sotto,wife Kristine Hermosa, and their daughter Ondrea; Vic and Pauleen Luna-Sotto with daughters Tali and Mochi; behind Pauleen is Marc Pingris, then beside her is D

Vic Sotto with his birthday cake; the birthday boy with his family: (L-R) Oyo Sotto, wife Kristine Hermosa, and their daughter Ondrea; Vic and Pauleen Luna-Sotto with daughters Tali and Mochi; behind Pauleen is Marc Pingris, Danica Sotto, and Paulina Sotto
PHOTO/S: Dabarkads – TVJ Eat Bulaga na on Facebook; @pauleenlunasotto on Instagram

GORGY RULA

Maagang ipinagdiwang ng Eat Bulaga! ang 70th birthday ni Vic Sotto.

Si Mayor Vico Sotto lang ang wala sa studio ng TV5 nung Sabado, April 20, 2024.

Pero mahaba naman ang exposure niya sa VTR na inihanda para kay Bossing Vic.

Nandoon ang mga anak ni Bossing Vic, pati ang mga apo na meron ding partisipasyon sa birthday segment nito.

Na-surprise daw talaga si Bossing Vic dahil wala siyang kaalam-alam sa mga inihanda para sa kanyang birthday celebration.

Pati ang pagkanta ni Talitha ay hindi rin daw niya alam. Mahilig naman kasi talaga kumanta ng panganay nila ni Pauleen Luna.

Tito Sotto, Joey de Leon, and Tali sing for birthday boy Vic Sotto

 

VIC SOTTO’S ACTUAL BIRTHDAY CELEBRATION

Sabi naman noon pa ni Pauleen na hindi sila mahilig magbigayan ng regalo sa mga espesyal na selebrasyon.

Buong taon daw silang araw-araw na nagreregaluhan ng pagmamahal.

Dugtong ni Bossing Vic, sapat na sa kanila ang “gift of family” at “gift of friends.”

Sa April 28 pa ang mismong kaarawan ni Bossing Vic, at nasa Hong Kong sila niyan.

Mahigit dalawampu raw silang lilipad sa Hong Kong para doon i-celebrate ang kanyang 70th birthday.

Kasama niya ang mga anak, mga apo, kapatid, halos buong pamilya. Sayang nga at hindi makakasama si Baby Mochi dahil masyado pa raw itong bagets.

NOEL FERRER

VIC SOTTO ON IT’S SHOWTIME

Hindi mahilig magpapatol si Vic Sotto sa mga isyung ibinabato sa kanila sa Eat Bulaga!. Pero umayon siya sa sinabi ni Joey de Leon na hindi nila kaaway ang It’s Showtime.

Magkalaban sila dahil magkatapat ang kanilang programa, pero iba raw ang magkalaban sa magkaaway.

“Never naming sasabihing kaaway. Katapat, kalaban, pero kaaway? Iba yung kaaway namin. Alam niyo na kung sino yun.

“Iba yung kaaway sa kalaban, e. Iyong kalaban… it could be a friendly competition.

“It has always been the case, ‘no, with Eat Bulaga! and Showtime.

“Ilang taon na kaming magkatapat. Mananalo kami, mananalo sila. Iyon ang nagpapasaya ng tanghalian ng [mga] Pilipino e. Dapat ganun lang.

“May mga fans na nagbabangayan, pero, at the end of the day, dapat masaya lang tayo,” saad ni Vic Sotto nang nakatsikahan ito ng ilang miyembro ng entertainment press sa TV 5 nung Sabado.

Komento ng entertainment editor na si Jun Lalin, sinabi raw ni Paolo Contis na nagkatapat lang ang show nila, pero kapag nagkita naman daw sila, babatiin pa rin niya si Bossing.

“Wala yun!” pakli ni Bossing Vic.

“Ako naman personally, naintindihan ko, trabaho lang yun. Pero yung kaaway, iba yun. Hindi ko babatiin yun!” bulalas ng komedyante at Eat Bulaga! host.

Naging main host si Paolo ng Tahanang Pinakamasaya, na siyang pumalit sa noontime slot ng Eat Bulaga! sa GMA-7, noong June 5, 2023. Nagsimula namang umere ang Eat! Bulaga sa TV5 noong July 1, 2023.

JERRY OLEA

Cool lang ang mga taga-Eat Bulaga! sa matinding tapatan nila ngayon ng It’s Showtime.

Naintindihan nila kung bakit nauungusan sila ngayon ng It’s Showtime, at hindi sila nagpapaapekto dahil nakikita sa ratings na hindi bumitaw ang mga loyal viewers nila.

Kung anu-anong tsismis ang ibinabato sa kanila na hindi naman daw totoo.

Ipinagkibit-balikat na lang daw ito ni Vic Sotto.

Hiningan siya ng reaksiyon sa mga patuloy pa ring pagkakalat ng isyu tungkol sa Eat Bulaga, pati ang mga trolls na umaatake sa kanila.

Ang pinaka-recent ay patungkol sa pagkakaroon diumano ng meeting ng mga producers dahil sa paglobo raw ng production cost ng noontime show.

Ani Vic, “Lilipas din iyan, e. Ako naman yung mga troll na sinasabi, ako’y may panlaban dun, scroll. Scroll mo na! Balewala na lahat yun.”

Naniniwala siyang alam daw ng mga tao ang totoo at fake news.

“Matalino na ang mga kababayan natin ngayon, alam nilang fake news yun. At hindi naman tumatagal. After a while, labas na rin ang katotohanan,” sabi pa ni Bossing Vic.