Emosyunal na nagbigay ng mensahe ang comedian-TV host na si Vice Ganda sa katatapos lamang na contract signing ng ABS-CBN at GMA sa pag-ere sa GMA7 ng Kapamilya show na It’s Showtime.
Sa kanyang speech inilahad niya ang kanyang pasasalamat sa mga taong bumubuo ng GMA Network sa mainit na pagtanggap sa kanila.
Ipinahayag din ni Vice Ganda na palagi niyang sasambitin kung gaano kabait ang mga taga-GMA at kung gaano kaayos kausap ang mga ito.
Emosyunal ding inilahad ni Vice Ganda ang tulong na ibinigay sa kanila ng GMA Network noong lugmok na lugmok ang ABS-CBN.
Ayon kay Vice Ganda, noong sadsad na sadsad ang ABS-CBN ay naroon ang GMA hindi para lalo silang tapakan kundi nag-offer umano ang mga ito ng kamay upang unti-unti silang makabangon sa kanilang pagkakalugmok.
Dahil dito, hinding-hindi umano nila makakalimutan ang tulong na ibinibigay sa kanila ng Kapuso Network.
Nagpapasalamat rin si Vice Ganda sa panibagong opportunity na ibinigay sa kanila ng GMA Network na magkaroon ng panibagong tahanan upang lalo pang maka-reach ng marami madlang pipol.
“Hindi niyo lang kami tinutulungan makatayo, pinagbuksan niyo pa kami tahanan para doon muli magpalakas, magpagaling magpahilom at makatindig ulit, na kapiling kayo,” pahayag ni Vice Ganda.
Inilahad pa ni Vice Ganda na malaki ang pasasalamat ni Vice Ganda sa GMA7 dahil marami naman umano silang pagpipilian subalit sila pa rin ang pinili ng mga ito sa huli.
“Napakarami niyong pwedeng ibang piliin pero sa dulo ay pinili niyo kami. Maraming-maraming salamat po sa pagpili niyo sa amin. Napakarami niyo pong maaring piliin pero sa huli ay pinili niyo ho pa rin kami. Ngayon po na pinili niyo kami, halika na magsanib-pwersa na po tayo para mapanalunan at mapagtagumpayan ang mas malalaking hamon.”
Una nang umire sa subsidiary channel ng GMA na GTV ang It’s Showtime matapos nilang umalis sa TV5. Matapos naman ang pag-alis ng Tahanang Pinakamasaya nasa GMA Network na ang It’s Showtime.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load