Tila tuluyan nang sumama ang loob ni Dennis Padilla sa mga anak nito kay Marjorie Barretto.
Ito ay matapos na tila maging bisita lamang daw umano siya gayung siya ang ‘father of the bride.’
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nasabi ni Dennis na napagod na umano siya sa pagsuyo sa mga anak niya kay Marjorie.
“Ayaw ko na, surrender na, finish. Tatay nalang nila ako. Pero bringing back the relationship, wala na siguro”
“Ngayon ko lang na-realize. Not one of my children even posted my picture in theis Instagram… Ni wala akong picture sa kahit anong social media nila. Ni walang mention ng pangalan ko, ng nanay ko, ng tatay ko na artista din sa kanilang social media post. As in, zero. Why?”
“Sabi nila ako yung toxic. Talaga ba?” ani Dennis na ang hinihingi lamang umano ay ang pagkalinga ng kanyang mga anak oa kahit na simpleng pagbati manlang sa mga okasyon bilang siya ang ama ng mga ito.
“Wala na, I’m sorry wala na. Napagod na.”
“I thought hindi ako mapapagod. Akala ko hindi e. Napagod na”
“Bibitbitin ko nalang ‘to hanggang mamatay ako.”
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:
Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto. Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father’s Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito. Patunay lamang na taon na ang binibilang ng panunuyo ni Dennis sa mga anak kay Marjorie
Gayunpaman, noong 2024 kung saan may bagong pelikula si Julia kasama si Aga Muhlach, nagsabi ng good luck si Dennis para sa anak. Katunayan, sa tuwing makakausap din siya ng press nang mga panahong iyon, isa siya sa nagpo-promote ng pelikula ng anak, bilang pagpapakita ng patuloy na pagsuporta niya sa career nito bilang isang mahusay na aktres ng kanyang henerasyon.
March 18 ng kasalukuyang taon nang maganap ang nakita ng publiko sa larawan nilang mag-aama. Marami na nga ang natuwa sa kanila dahil nagkasama-sama ulit ang mga ito na matagal nang inaasam ni Dennis. Iyon pala umano ang pagkakataong sinabi na ni Claudia ang tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang nobyo pa lamang noon na si Basti Lorenzo.
News
NATUKLASAN ANG LIBING NI RENE REQUIESTAS SA MAlungkot NA KALAGAYAN NA NAGPASORRY NG MARAMING TAO (napakalupit)
Isang hindi inaasahang balita ang bumuhos sa ating mga puso nang natuklasan ang libing ni Rene Requiestas, ang kilalang komikero…
Claudine Barretto, Walang Imbitasyon sa Kasal ng Nephew na si Claudia! ‘Iyak nang iyak, parang hihimatayin’ — Dennis Padilla… 😲💔
DENNIS Padilla has revealed that actress Claudine Barretto, was not invited to the wedding of her niece, Claudia Barretto —…
SHOCKING REVEAL: Private Life ng First Crush ni Kathryn Bernardo, Nahulog sa Kaba Dahil sa Kanyang Kakaibang Pag-amin!
Aliw na aliw ang mga netizens sa latest na pasabog tungkol sa first-ever childhood crush ni Kathryn Bernardo,…
Sino si Basti Lorenzo? Alamin ang KAHANGA-HANGANG YAMAN ng Asawa ni Claudia Barretto!
Ipinakilala na siya sa mundo ng aliwan bilang asawa ni Claudia Barretto, ngunit sino nga ba talaga si Basti Lorenzo?…
The Flame of Love: The Heartwarming Story of Father and Daughter Rodrigo and Kitty Duterte
In a world filled with power struggles and political instability, the relationship between Rodrigo Duterte, the former President of the…
SHOCKING TRUTH: 5 Artistang Mabait sa Camera pero MALUPIT sa Kanilang mga KASAMBAHAY! Part 2 😱
Sa mundo ng aliwan, ang mga artista ay madalas na tinuturing na mga Diyos at Diyosa, kilala sa kanilang mga…
End of content
No more pages to load