Coney Reyes sa dating away nila ni Dina Bonnevie: “Huwag na nating ungkatin ang nakaraan!”
Coney Reyes, nagsalita sa sinabi ni Dina Bonnevie regarding sa kanilang dating alitan noong 1980s! Alamin lahat by scrolling down below!
Short but sweet ang sagot ni Coney Reyes nang hingan siya ng reaksyon ng press, kasama na ang pikapika.ph, tungkol sa mga binitawang magagandang salita ni Dina Bonnevie sa press conference ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday ukol sa kanilang nakaraang away noong 1980s.
Maalala na lubos na pinuri ni Dina si Coney, specifically kung paano niya pinalaki ang kanyang anak na si Pasig Mayor Vico Sotto at kung paano napalalim ni Coney ang kanyang sariling pananampalataya sa Diyos.
“Well, that’s nice,” sagot ni Coney sa pocket press interview para sa bago niyang Kapuso teleserye na Love of My Life. “Huwag na nating ungkatin ang nakaraan na almost 30 years ago. Tahimik na ang mga tao, nanahimik na sila sa mga asawa nila so let’s leave it be.”
Dagdag pa ni Coney na hindi lamang siya ang nakatulong kay Dina para mapalapit lalo ito sa kanyang pananampalataya sa Diyos.
“Maraming salamat pero, usually naman, hindi lang isang tao ang nakakatulong sa atin. Marami naman,” sabi ng beteranong aktres. “Pero maraming salamat [sa kanya]. I wish her well. She’s always been nice naman to Vico, eh, so walang problema.”
Nang tanungin naman ng press kung paano nila na-maintain ang kanilang friendship after ng away, pinili na lamang ni Coney na ulitin niya ang kanyang unang statement na huwag nang ungkatin ang nakaraan.
“Like I said, huwag na nating ungkatin ang nakaraan. Tama na,” sabi niya. “Aren’t you happy for all of us? I’m very happy for them, I’m very happy for her, I’m very happy for everybody being happy. Tumahimik na lang tayo.”
Ang Love of My Life, na pinagbibidahan nina Coney, Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Tom Rodriguez, ay magpe-premiere sa GMA-7 ngayong Lunes, February 3!
News
NATUKLASAN ANG LIBING NI RENE REQUIESTAS SA MAlungkot NA KALAGAYAN NA NAGPASORRY NG MARAMING TAO (napakalupit)
Isang hindi inaasahang balita ang bumuhos sa ating mga puso nang natuklasan ang libing ni Rene Requiestas, ang kilalang komikero…
Claudine Barretto, Walang Imbitasyon sa Kasal ng Nephew na si Claudia! ‘Iyak nang iyak, parang hihimatayin’ — Dennis Padilla… 😲💔
DENNIS Padilla has revealed that actress Claudine Barretto, was not invited to the wedding of her niece, Claudia Barretto —…
SHOCKING REVEAL: Private Life ng First Crush ni Kathryn Bernardo, Nahulog sa Kaba Dahil sa Kanyang Kakaibang Pag-amin!
Aliw na aliw ang mga netizens sa latest na pasabog tungkol sa first-ever childhood crush ni Kathryn Bernardo,…
Sino si Basti Lorenzo? Alamin ang KAHANGA-HANGANG YAMAN ng Asawa ni Claudia Barretto!
Ipinakilala na siya sa mundo ng aliwan bilang asawa ni Claudia Barretto, ngunit sino nga ba talaga si Basti Lorenzo?…
The Flame of Love: The Heartwarming Story of Father and Daughter Rodrigo and Kitty Duterte
In a world filled with power struggles and political instability, the relationship between Rodrigo Duterte, the former President of the…
SHOCKING TRUTH: 5 Artistang Mabait sa Camera pero MALUPIT sa Kanilang mga KASAMBAHAY! Part 2 😱
Sa mundo ng aliwan, ang mga artista ay madalas na tinuturing na mga Diyos at Diyosa, kilala sa kanilang mga…
End of content
No more pages to load