Judy Ann Santos to brother Jeffrey Santos: “Dahil sa kanya, hindi ako naghanap ng kalinga ng ama”
Pagkukuwento pa ng aktres, tulad ng marami pang magkakapatid nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaintindihan pero ito ay agad naman nilang naaayos.
Judy Ann Santos may sweet na mensahe sa kaarawan ng older brother niyang si Jeffrey Santos.
Nitong December 20 ay nagdiwang ng kaniyang birthday ang brother ni Judy Ann Santos na si Jeffrey Santos. Si Jeffrey ay 52-anyos na ngayon. Siya ay nakilala hindi lang bilang kapatid ni Juday kung hindi isa ring magaling na artista. Siya ay gumanap ng ilang kontrabida roles bago tuluyang huminto sa pag-aartista at mag-concentrate sa kaniyang pamilya.
Birthday message ni Juday sa kaniyang Kuya Jeff
Si Juday may sweet na mensahe sa kaniyang Kuya sa naging kaarawan nito. Ito ay ibinahagi niya sa Instagram kalakip ang larawan nilang magkasama. Si Juday sinabing hindi siya naghanap ng kalinga ng isang ama dahil ang Kuya niya ang gumawa nito para sa kaniya.
“My one and only … kuya.. i love him to death.. dahil sa kanya, hindi ako naghanap ng kalinga ng ama..”
Ito ang bungad ni Juday sa kaniyang birthday message sa Kuya niyang si Jeffrey Santos.
judy ann santos and brother jeffrey santos
Larawan mula sa Facebook account ni Jeffrey Santos
Pagpapatuloy niya pa, tulad ng ibang magkakapatid ay nag-aaway o nagkakaroon rin sila ng hindi pagkakaintindihan. Pero tulad rin ng marami pang magkakapatid naaayos nila ito at hindi sila tumitigil sa pagsuporta sa i’sa’t-isa.
“He gave his all and more.. yes.. we had our fair share of ups and downs.. away bati.. but at the end of the day.. we still have each others back.. happy happy birthday kuya! ”
Ito ang pagbati pa ni Judy Ann Santos sa kaniyang one and only brother na si Jeffrey Santos sa 52nd birthday nito.
Ang mga kaibigan nilang celebrities nagpaabot rin ng pagbati kay Jeffrey. May ilang netizens at fans nila ang nagbalik-tanaw rin sa mga tagpong maliliit pa ang magkapatid at nagsisimula palang sa pag-aartista.
judy ann santos and jeffrey santos with lucho
Larawan mula sa Facebook account ni Jeffrey Santos
News
Marjorie Barretto hits back at Dennis Padilla: “Stop spreading lies!” – Her bold response to his wedding claims shocks everyone! /lo
Marjorie Barretto On “Lies” Of Dennis Padilla This is what Marjorie Barretto said regarding the claims of Dennis Padilla about…
Marjorie Barretto breaks her silence: Shocking claims that Dennis Padilla physically hur t her – the dark truth finally comes to light! /lo
Marjorie Barretto Claims Dennis Padilla Physically Hurt Her Amid the issues, Marjorie Barretto has this revelation about Dennis Padilla. In…
BREAKING: Mariel Padilla’s Daughter Rushed to Emergency Room at Dawn Due to Sudden Illness./lo
📰 BREAKING: Mariel Padilla’s Daughter Rushed to Emergency Room at Dawn Due to Sudden Illness Manila, Philippines – A mother’s…
The shocking truth behind Dennis Padilla and Marjorie Barretto’s breakup – untold secrets finally revealed! /lo
📰 FULL STORY: The Real Reason Behind Dennis Padilla and Marjorie Barretto’s 2007 Breakup — A Love Story Marked by…
Kris Aquino’s final heartfelt message: A soul-stirring farewell to her son Joshua that brought fans to tears. /lo
Kris Aquino Naghabilin ng Pahuling Habilin: Isang Makabagbag-Damdaming Paalam Kay Joshua Aquino Sa isang nakakasentrong balita, isinagawa ni Kris Aquino…
Judy Ann Santos stuns fans with an emotional, tear-jerking birthday message to husband Ryan Agoncillo – netizens left speechless! /lo
Sa isang makabagbag-damdaming post sa Instagram, ipinahayag ni Judy Ann Santos ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang…
End of content
No more pages to load