Nagbigay na ng reaksyon ang aktor na si Paulo Avelino patungkol sa mga kumakalat na balitang nagkaroon sila ng romantic relationship noon ng aktres na si Janine Gutierrez.
Iginiit ni Paulo Avelino na hindi naman umano naging sila noon ni Janine Gutierrez naging magkalapit lamang sila para sa promotion ng kanilang pinagsamahang teleserye.
Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon ang pagkakamabutihan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Bagama’t hindi nila ito tahasang inaamin sa publiko makikita naman sa kanilang mga ikinikilos.
Tila naging proud pa noon si Janine Gutierrez kay Paulo Avelino dahil sinasabi niya sa ilang naging panayam niya ang paggiging mabait at gentleman ni Paulo Avelino sa kanya.
Sa kamakailang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, naisiwalat nilang nagsimulang magkaroon ng lamat ang relasyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino na magsisimula na sanang magplano para sa kanilang kasal nang iharap ni Janine Gutierrez si Paulo Avelino sa kanyang pamilya.
Nagsimula na umanong manlamig si Paulo Avelino hanggang sa nauwi na sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, tila hindi pa umano handa si Paulo Avelino na magpakasal kay Janine Gutierrez dahil hindi umano ito gaano ka seryoso sa aktres.
Kung totoo man ang balitang ito, napakasakit nito para kay Janine Gutierrez dahil naging bukas ang aktres sa kanyang nararamdaman para kay Paulo Avelino.
Marami naman ang naghinala na may kinalaman ang pagpasok ni Kim Chiu sa buhay ni Paulo Avelino sa dahilan ng tuluyang pagkakahiwalay ng dalawa.
Matatandaan na naging lamang ng mga bali-balita noon ang paghihiwalay at pagbabalikan nina Paulo Avelino hanggang sa muli naman silang naghiwalay ng tuluyan.
Hindi naman kasi maitatanggi na magmula noong nagkatambal sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa digital series na Linlang ay nakitaan na sila ng malakas na chemistry dahilan para hilingin ng maraming mga netizens na sana ay magkatuluyan silang dalawa.
Labis umanong nasasaktan si Janine Gutierrez dahil mas marami ang sumuporta kina Paulo at Kim, nakikita rin umano niyang naging mas malapit si Paulo sa aktres.
News
Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba
Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens…
Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime
Hindi inaasahan ng It’s Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It’s Showtime…
Anak Ni Mark Anthony Fernandez Hiyang Hiya Sa Maseselang Video Ng Ama! Grae Fernandez Nagsalita Na!
Si Grae Fernandez, ang anak ni Mark Anthony Fernandez, ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga lumalabas na video…
Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!
Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama…
Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!
Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph…
Gaile Francesca Rait Inihabilin Ni Francis Magalona Kay Joey De Leon!
Trending ngayon ang balitang may alam na noon pa man ang beteranong komedyante na si Joey De Leon sa…
End of content
No more pages to load